Posibleng abutin pa ng isa hanggang dalawang linggo ang pagbabaklas ng mga election campaign material sa lungsod ng Quezon.
Ayon sa Quezon City Department of Public Order and Safety (QC-DPOS), masyadong malaki ang lungsod para tapusin lang sa loob ng tatlong araw ang paglilinis ng mga propaganda material sa mga lansangan.
Kaugnay nito, hinihikayat ng DPOS ang mga barangay na maging aktibo rin sa paglilinis sa kanilang nasasakupan.
Mula ng pasimulan kahapon ang malawakang clean up drive ay umabot na sa 40 tonelada ng campaign materials ang nabaklas at nahakot ng mga awtoridad.
Ngayong umaga, pasisimulan ang pagbabaklas ng campaign materials sa bahagi ng K-H Cambridge sa Cubao.
Facebook Comments