Hiniling ni Senator Christopher “Bong” Go na ipasagot ng gobyerno sa sinumang may pananagutan sa paglubog ng MT Princess Empress ang paglilinis ng oil spill sa karagatan.
Ang reaksyong ito ng senador ay kasunod ng kanyang pagkabahala na nakakaapekto na sa kalusugan ng mamamayan doon ang oil spill.
Pinatitiyak ni Go sa gobyerno na agad malilinis ang nagkalat na langis sa karagatan at dahil malaking trabaho at gastusin ito, dapat manguna rito ang responsable sa nangyaring insidente.
Pinatutukoy rin ng mambabatas kung ligtas pa ba para sa kunsumo ng mga tao ang mga isdang nakukuha sa karagatan.
Pinamamadali rin ni Go ang pamahalaan sa pagtugon sa pangangailangan at pagtiyak na maayos ang kalusugan ng mga mamamayan sa lugar.
Facebook Comments