Puspusan ang isinasagawang hakbangin ng lokal na pamahalaan ng Dagupan para sa paghahanda sa panahong tag-ulan sa mga pagbahang maaaring mangyari pagkatapos ng nararanasang init ng panahon ngayon.
Bagamat ngayon pa lang, kahit hindi pa tag-ulan ngunit dahil na rin sa hightide ay nababaha na ang ilang bahagi ng lungsod, at isa sa mga madalas bahain ay sa Junction Area.
Alinsunod dito ang paglilinis ng mga drainage systems sa lungsod na inumpisahan na ngayong araw sa bahagi ng Downtown area, gayundin ang lahat ng drainage systems sa lungsod ay lilinisin.
Kabilang ito sa proyektong upgrading ng mga kalsadahan at pagpapalaki ng mga drainage. Dinagdag pa ng alkalde na magkakaroon umano ng karagdagang paglilinis ng mga kailugan upang mapanatili itong malinis at mabawasan ang polusyon sa tubig. |ifmnews
Facebook Comments