PAGLILINIS NG MGA WATER PIPELINES NG ISANG WATER SOURCE SA DAGUPAN CITY, KASALUKUYANG ISINASAGAWA

Kasalukuyan ang isinasagawang paglilinis ng mga water pipelines ng Pamana Water District kahapon, June 23, partikular sa Brgy. Lucao sa Dagupan City na may layong maging ligtas at malinis ang nailalabas at mapanatili ang kalidad na tubig sa mga residente.
Saklaw nito ang mga Barangay ng Sitio Dumurog at Sitio Kanit, sa nasabing Barangay. Ayon sa ilang kawani ng nasabing water source, nauna na ang paglilinis sa iba pang Barangay sa Dagupan at magpapatuloy ito sa ilan pang natitirang Barangay sa lungsod.
Personal namang lumilibot ang kawani ng ahensya upang abisuhan ang mga residente sa apektadong lugar na mawawalan muna ng tubig, at ayon na rin sa advisory, ito ay mula sa alas nuebe ng umaga hanggang alas singko ng hapon kahapon.

Pinayuhan din ang mga ito na mag-impok muna ng mga tubig upang may magagamit pa rin kapag on-going na ang pagsasaayos at paglilinis nito.
Samantala, kaugnay nito, mangilan ngilang residente ang nagpaabot ng kanilang hinaing ukol nga sa hindi malinis na tubig mula rito na patuloy namang hinahandaan ng mga hakbang. |ifmnews
Facebook Comments