Isinagawa sa Barangay Malasin, Pozorrubio, ang malawakang paglilinis ng Angalacan River bilang bahagi ng programang R.I.V.E.Rs for Life o ang Recognizing Individuals/Institutions Towards Vibrant and Enhanced Rivers Program ng Department of Environment and Natural Resources.
Sanib-pwersa ang mga kalahok mula sa iba’t-ibang opisina at samahan, kabilang ang mga residente na boluntaryong nakiisa sa layuning buhayin, pasiglahin, at panatilihing malinis ang mga ilog, sapa, kanal, at estero sa bayan.
Bahagi ito ng paggunita sa National Climate Change Consciousness Week at National Volunteer Month, na naglalayong palakasin ang diwa ng volunteerism at aktibong pakikilahok ng komunidad sa mga gawaing pangkalikasan.
Ang Angalacan River sa bayan ay kabilang sa mga ‘adopted water bodies’ sa Pangasinan sa ilalim ng Adopt-an-Estero/Water Body Program noong 2023.
Samantala, nanawagan ang MENRO Pozorrubio sa lahat ng residente na makiisa sa kampanya at makibahagi sa mga greening efforts ng lokal na pamahalaan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









