Umapela si Northern Samar Rep. Paul Daza kay incoming Finance Secretary Benjamin Diokno na isama sa prayoridad nito ang paglilinis sa Bureau of Customs (BOC).
Kasabay nito ang babala ng kongresista kay Diokno tungkol sa Samar Group sa loob ng BOC na binubuo ng mga insiders, brokers, at fixers.
Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Daza na may sapat na dahilan para mabahala partikular sa mga personalidad at mga grupo na maaaring may plano na i-hostage ang pagkakataon at oportunidad ng bansa.
Giit ni Daza, binibigyan lamang nila ng “advance warning” ang incoming secretary na huwag payagan ang mga taong ito, partikular ang Samar group, na isabotahe ang napakatayog na pangarap ng pamahalaan lalo na ang BOC na kung saan ang revenue generation pa naman ang pinaka-kritikal ngayon sa ekonomiya ng bansa.
Dagdag pa ng kongresista, hindi aniya maaasahan na makamit ang target revenue ng pamahalaan kung ang mga itinalagang mga tauhan sa mga revenue-generating agencies ay mga basura.
Kaya naman hiniling ng mambabatas na piliin lamang ni Diokno ang mga “best and the brightest” sa ahensya kasabay ng hirit na isama sa prayoridad ng mga lilinisin sa mga hawak na tanggapa