Manila, Philippines – Tiniyak ng pamunuan ng National Capital Region Police Office na tuloy ang kanilang paglilinis sa kanilang hanay
Ayon kay NCRPO Regional Director, PDIR Oscar A Albayalde , lalo pa silang na-engganyo na pagbutihin ang pagseserbisyo sa publiko at internal cleansing matapos lumabas sa survey
Ng Pulse Asia Research Inc na 82 percent ng mamamayan sa Metro Manila ay naniniwalang ligtas sila dahil sa kampanya kontra droga ng NCRPO.
Noong nakaraang linggo, apatnapu’t walong mga pulis na may ibat ibang kaso ang sumailalim sa intensive disciplinary training and reorientation program sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan,Taguig.
Sa loob ng labing-limang araw na kanilang training period, sila ay restricted sa training camp.
Muli ring tiniyak ni Albayalde na hindi nila kukunsintihin ang mga abusadong tauhan ng NCRPO.
Facebook Comments