Para sa mas malinis at maaliwalas na lugar ng pagtitinda ng mga vendors sa public market ng Urbiztondo, nagsagawa ng isang flushing activity ang hanay ng Bureau of Fire Protection Urbiztondo kung saan binombahan nila ng tubig ang buong palengke.
Ang pagsasagawa nito ay para sa tuluyang malinisan ang kasulok-sulukang bahagi ng naturang public market mula sa loob hanggang sa labas ng pamilihan ay binombahan ng tubig nang sa gayon ay malinis at mas maayos na makapagtinda ang mga vendors at lalo pang maganahan na bumili ang mga konsyumer sa kanilang mga pwesto.
Malakin tulong rin ito upang mawash-out ang mga dumi na mahirap alisin maging maiwasan ang mga sakit na nakukuha sa mga maruruming tubig gaya na lamang ng trangkaso at mas kung mas malala pa ay leptospirosis.
Ang pagsasagawa naman ng paglilinis na ito ay sa ilalim ng supervision nila SFO3 Berbee Bacani, OIC MFM kasama si Market Administrator Joaquin Ferrer. |ifmnews
Facebook Comments