Paglilinis sa mga basurang iniwan ng pag-apaw ng Marikina River, posibleng abutin ng hanggang isang buwan

Nagpapatuloy ang clearing operation ng Marikina River Park Authority sa putik at basura na iniwan ng pagtaas ng tubig ng Marikina River.

Ayon kay Alfredo Lastrella Jr., Area 1 Supervisor ng Marikina River Park Authority, posibleng tumagal ang kanilang paglilinis ng ilang linggo hanggang isang buwan.

Aniya, kumapara sa nagdaang Bagyong Ulysses at Bagyong Ondoy ay mas mabilis ang naging pagbaba ng tubig sa ilog.


Nasa 20 tauhan ng Marikina River Parks Authority ang nagtutulong-tulong sa paglilinis.

Facebook Comments