Paglilinis sa mga Drainage Canal sa Primark Palengke, Umarangkada na

Cauayan City, Isabela- Inumpisahan na ng pamunuan ng Primark ang paglilinis sa mga drainage canal sa loob ng pamilihan dito sa Lungsod ng Cauayan.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginang Marie Catagatan, Vice President ng meat section, pagkatapos aniya ng kanilang meeting at open forum kasama si Mayor Jaycee Dy Jr at mga City Councilors nitong nakaraang Linggo, agad na umaksyon ang Primark sa kanilang pangunahing reklamo gaya ng kadalasang pagbaha sa palengke sa tuwing umuulan.

Unang ginalaw ng mga tauhan ng Primark ang mga daluyan ng tubig at pagtanggal ng mga basura sa Wet section partikular sa Meat at chicken section hanggang sa fish section. Pang limang araw naman ngayon ng kanilang paglilinis sa palengke kung ito ay kanilang ipagpapatuloy.

Numero uno kasi na hinaing ng mga vendors o nangungupahan sa palengke ang madalas na pagbaha sa loob sa tuwing malakas ang buhos ng ulan kung saan malaking epekto ito sa kanilang kabuhayan.

Una nang nakita ng mga otoridad at city officials na kaya mabilis ang pag-apaw ng tubig sa palengke ay dahil maliit sa ang drainage canal at sa mga nakabarang basura sa mga daluyan ng tubig.

Kaugnay nito, isinuhestiyon rin ni Catagatan sa pamunuan ng Primark na linisin din ang mga nakasara o bakanteng stalls para malinis at maayos din itong tignan kahit na walang gumagamit.

Samantala, nagpapasalamat din ang presidente ng chicken section na si Gng Trinidad Agcaoili dahil naumpisahan na ang paglilinis sa mga canal maliban lamang sa mga stalls na walang umuupa.

Gayunman ay hindi pa aniya totally nalinisan ang mga daluyan ng tubig sa kanilang area dahil may mga freezer pang nakapatong sa mga dinadaluyan ng tubig kaya hindi pa ito nagagalaw ng mga naglilinis.

Bukod dito, wala pa umanong tugon sa kanilang hinaing na paglaganap ng mga Talipapa sa gilid at labas ng Palengke na isa rin umanong dahilan ng kanilang matumal na bentahan.

Isinuhestiyon ni Agcaoili na dapat ay ipagbawal na ang mga squatter vendors sa labas ng Primark lalo at wala naman umano silang binabayarang upa at permit.

Sa hanay naman ng Vegetable section, wala pa umanong nagagalaw sa kanilang mga drainage canal at blangko naman ang mga nagtitinda ng gulay kung kailan naman lilinisin at aayusin ang kanilang mga sira-sirang daluyan ng tubig.

Una na ring nagpahayag ang Pamunuan ng Primark at City Mayor Jaycee Dy Jr. na tutugunan nila ang mga reklamo ng mga market vendors dito sa Lungsod.

Sa kabilang banda, ikinatuwa ng mga tenants ng Primark ang pagtugon sa kanilang reklamo sa Comfort room na kung saan namimintina na ang kalinisan at hindi na rin sila sinisingil ng kanilang bayad sa

Facebook Comments