Paglilinis sa mga lugar na pinagdausan ng mga kilos-protesta, sinimulan na

14

Manila, Philippines – Sinimulan na ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno ang paglilinis sa mga lugar na pinagdausan ng mga kilos-protesta.

Winalis ng mga tauhan ng MMDA at Department of Public Services ng Manila-LGU ang mga naiwang kalat partikular sa intersection ng Legarda-Recto, Padre Faura at sa bahagi ng Liwasang Bonifacio.

Nananatili naman sa mandala ang grupong Kadamay.

Pininturahan na rin ng mga tauhan ng DPWH ang mga poste ng LRT line 2 matapos na sulatan ng mga raliyista.

Facebook Comments