Nasa higit ₱30 milyong halaga ng tulong pang-agrikultura ang ipinagkaloob sa mga kwalipikadong kooperatiba at asosasyon ng mga magsasaka sa ikaanim na distrito ng Pangasinan.
Layon ng programang ito na dagdagan at palakasin ang suporta sa mga magsasaka lalo na sa gitna ng mga hamon na kinakaharap ng sektor ng agrikultura. Kabilang sa mga ipinamahagi ay mga fertilizer, kagamitang pansaka, at iba pang interbensyon na makatutulong sa kanilang produksyon.
Bukod sa ayuda, ibinahagi rin ng department of agriculture regional field office 1 (da-rfo1) sa mga magsasaka ang mahahalagang impormasyon hinggil sa isinusulong na house bill no. 1: rice industry and consumer empowerment act.
Layon ng panukalang batas na ito na maibalik ang kapangyarihang regulasyon ng National Food Authority (NFA) upang masugpo ang hoarding ng bigas at maisaayos ang pamamahala sa mga bodega ng butil sa bansa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









