PAGLILINIS SA MGA NAPINSALANG PAARALAN SA PANGASINAN, ISA SA TUTUTUKAN NG MGA TUPAD WORKERS

Pinalawig ang responsibilidad ng mga Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Workers sa paglilinis at rehabilitasyon ng mga paaralan na napinsalang paaralan sa Pangasinan.

Kabilang sa mga lilinisin na paaralan sa ilalim ng programa ay sa mga bayan ng Alaminos City, Anda, Bani, Binmaley, Bolinao, Burgos, Dasol, Mabini, Dagupan City, Calasiao, Mangaldan, Sta. Barbara, at Umingan upang matiyak ang kaayusan sa mga silid aralan at magtuloy ang klase ng mga mag-aaral.

Bukod pa rito, 81 Pangasinense ang tatanggapin sa internship program upang makatulong sa mga apektadong pamilya.

Tatanggap ang mga benepisyaryo ng itinakdang minimum daily wage sa rehiyon sa loob ng sampung araw na community-based work.

Ayon sa Department of Labor and Employment Region 1, P75 million ang emergency employment assistance para sa mga apektadong indibidwal dahil sa mga nagdaang sama ng panahon.

Sakop din sa programa at pondo ang mga displaced workers sa La Union.

Target na mabigyan ng panimula ang mga manggagawa na lubhang apektado sa mga nagdaang kalamidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments