Paglilinis sa mga puntod ng Pasig City Cemetery, hanggang ngayong araw na lang

Hanggang ngayong araw na lang papayagan ang paglilinis ng mga puntod sa Pasig City Cemetery.

Ayon kay Jinny Moranda, security guard ng nasabing sementeryo, simula bukas ay hindi na papasukin ang may mga dalang gamit na panlinis.

Tanging mga dadalaw na lamang ang papapasukin sa mga puntod na kabilang sa barangay coding upang mag-alay ng bulaklak at kandila sa kanilang mga mahal sa buhay na nakahimlay sa nasabing sementeryo.


Aniya, bukas ay magiging katuwang nila ang mga otoridad upang ipatupad ang panuntunan sa mga papasok sa nasabing sementeryo.

Facebook Comments