PAGLILINIS SA NASUNOG NA BASISTA PUBLIC MARKET, ISINAGAWA

Ikinasa ang puspusang paglilinis sa nasunog na pamilihang bayan ng Basista bilang paghahanda sa posibleng pagbabalik ng mga manlalako sa susunod na linggo.

Bagaman nagkaroon ng pansamantalang relocation ang mga apektadong manlalako, tiniyak ng lokal na pamahalaan ang pagsasaayos sa nasunog na pamilihan upang doon muling magbenta ang mga nasunugan ng stall.

Tiniyak ng tanggapan na sinimulan nang planuhin ang pagpapatayo ng bagong pamilihan na may dalawang palapag matapos maglaan ng P10 Milyong pondo ang Pamahalaang Panlalawigan.

Bukod dito, nakatanggap din ng P5,000 tulong pinansyal ang mga manlalako.

Inaasahan na pahintulutan nang makabalik sa loob ng pamilihan ang mga tindero sa kapag natapos ang ikalawang bugso ng paglilinis sa loob at labas ng public market. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments