PAGLILINIS SA PAMPUBLIKONG SEMENTERYO SA MANGALDAN, SISIMULAN NGAYONG ARAW

Sisimulan ngayong araw, Oktubre 18, ang paglilinis at pag-aayos ng mga puntod sa Mangaldan Municipal at Catholic Cemetery sa Barangay Guilig bilang paghahanda sa Undas.

Kahapon, nagsagawa ng ocular meeting ang lokal na pamahalaan katuwang ang iba’t ibang ahensya at barangay officials upang paghandaan ang daloy ng tao, trapiko, at seguridad sa panahon ng pagbisita.

Tinalakay sa pagpupulong ang entry at exit points, mga ipinagbabawal na dalhin sa sementeryo, at iba pang hakbang para sa maayos na operasyon sa Undas.

Pinaalalahanan din ng pamahalaang bayan ang publiko na itapon nang maayos ang mga basura at iwasang mag-iwan ng mga bagay na maaaring pagmulan ng sunog.

Inaasahang makatutulong ang maagang paglilinis upang maiwasan ang siksikan at abala sa mga araw ng Undas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments