Paglilipat kay Quiboloy sa kustodiya ng AFP, ibinasura ng korte

Naghain ng mosyon sa Pasig Regional Trial Court (RTC) Branch 159 ang kampo ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Apollo Quiboloy para mailipat ito sa isang ospital sa Davao City.

Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni Philipppine National Police-Public Information Office (PNP-PIO) Chief Col. Jean Fajardo, nais magpalipat ni Quiboloy at kapwa akusado nito na si Ingrid Canada sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Davao City.

Ito ay dahil umano sa kanilang existing medical conditions.


Ayon kay Fajardo, ni-require ng korte ang PNP na tingnan ng government doctors sina Quiboloy at Canada kaugnay ng hirit na hospital arrest.

Samantala, ibinasura naman ng korte ang hiling ng kampo ni Quiboloy na mailipat sila ng kustodiya sa Armed Forces of the Philippines (AFP) mula sa PNP custodial facility.

Facebook Comments