Kinuwestyon ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang paglilipat ng Department of Health (DOH) ng P42 billion tungo sa procurement and implementing partner agencies.
Nakakabahala ito para kay Drilon dahil hindi suportado ng kinakailangang mga dokumento na itinatakda ng batas ang ginawalang paglilipat ng pondo na nakalaang pantugon sa COVID-19 pandemic.
Ang tinutukoy ni Drilon ay bahagi ng report ng Commission on Audit (COA) ukol sa mabagal at maling paggamit ng DOH sa mahigit P67 billion na COVID response fund.
Nais malaman ni Drilon kung bakit inilipat ng DOH ang pondo sa iba at ano ang dahilan at nagamit na ba ito o nananatiling nakatengga at dapat ibalik sa national treasury.
Dahil diyan ay hindi inaalis ni Drilon ang posibilidad na baka mas malaki pa ang unobligated funds o hindi nagastos kumpara sa nakita ng COA na P26 billion na hindi nagalaw.
Ang nabanggit na salapi ay para sana sa benepisyo at allowances ng health workers at iba pang programa para malabanan ang COVID-19 pandemic.