Paglilipat ng DOH ng puwesto kay dating NCMH Executive Clarita Avila, may kaugnayan daw sa kaniyang mga kaso

Pinadalhan ng  Department of Health (DOH) NG order of reassignment SI dating chief administrative officer ng National Center for Mental Health na si Clarita Avila.

Partikular ang paglilipat sa kanya sa Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center (DATRC) sa Las Piñas City.

Ayon kay NCMH Head Dr. Roland Cortez, may kinalaman ang paglilipat kay Avila sa kaso nitong graft and malversation case sa Office of the Ombudsman.


May kaugnayan aniya ito sa 60-million pesos na halaga ng iregularidad sa proyekto na napunta sa mga kaanak nito na sina Aileen Tambago (kapatid ni Avila), Roseni Aguilar (anak ni Avila), Mark Aguilar (anak ni Avila), Sarah Joy Aguilar Lobo (anak ni Avila), Angel Aguilar (anak ni Avila), Donaliza Indong,Cristy Indong, Liza Andez Quinonez, Rommel Ty, Maribel Andeza, Jonalyn Supilanan, Fe Avila Reyes (kapatid ni Avila), Larry Andeza, Ruben Reyes (pinsan ni Avila) at Julz Reyes (asawa ng pinsan ni Avila).

Una nang nagsumite ang NCMH ng mga dokumento sa Ombudsman tulad ng Personal Data Sheet, Oath of Office, Appointment, at Service Record ng ilang empleyado.

Nanindigan naman si Cortez ng mahigpit na transparency at accountability sa lahat ng mga donasyon na tinatanggap ngayon ng ospital.

Facebook Comments