PAGLILIPAT NG KABLE SA UNDERGROUND NG MGA TELCOS SA LA UNION, NAGSIMULA NA

Nagsimula na ang tatlumpung-araw na unang palugit sa mga telecommunication companies sa La Union upang mailipat ang mga aerial cables sa underground, kahapon.

Unang ginawa ang migration ng mga kable sa provincial road ng Bauang at magpapatuloy hanggang sa mga pampublikong daanan sa mga karatig bayan at lungsod.

Alinsunod ito sa istriktong implementasyon ng Provincial Ordinance No. 418-2023 na nagbibigay mandato sa mga telcos na ilagay sa common underground system ang mga kable upang maiwasang magdulot ng aksidente sa mga kakalsadahan.

Matatandaan na nasawi ang isang SK Chairperson ng bayan matapos maaksidente dahil sa kable ng internet na nahatak ng isang trak noong Pebrero.

Nanindigan naman ang Sangguniang Panlalawigan ng La Union na haharap sa obstruction at kaukulang penalty ang telecommunication company na hindi sumunod sa naturang ordinansa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments