Paglilipat ng mga learning materials sa iba’t ibang DepEd division offices, malapit ng makumpleto

99.05% ng nabalam na learning materials ang nahakot na mula sa mga bodega ng Transpac Cargo Logistics Incorporated at naihatid na sa iba’t ibang division offices ng Department of Education (DepEd).

Ayon kay DepEd Undersecretary Michael Poa, ang 23% ng mga hinatak ay naihatid na sa mga paaralan, at target ng DepEd na makumpleto ito sa unang bahagi ng 2024.

Pahayag ito ni Usec. Poa sa pagdinig ng House Committee on Basic Education and Cultrue na pinamumunuan ni Pasig Rep. Roman Romulo ukol sa estado ng bilyong pisong halaga ng learning materials na hindi agad nai-deliver ng Transpac dahil sa problema sa pagbabayad.


Tiniyak naman ni Rep. Romulo na babantayan nila ang delivery ng nalalabing 1% learning materials.

Pinapasumite din ng komite ang framework agreement ng kasunduan hinggil dito pati na ang call off contracts, bidding documents at financial statements.

Facebook Comments