Paglilipat ng mga pamilya na nakatira sa hazard prone areas sa lungsod, prayoridad ng QC-LGU at NHA

Pinamamadali na ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang paglilipat ng mga pamilyang nakatira malapit sa ilog at iba pang hazard-prone areas sa lungsod.

Kasunod ito ng pagkamatay ng dalawang informal settlers na nakatira sa ilalim ng tulay dahil sa pagbaha noong Sabado.

Ayon kay QC Disaster and Risk Reduction Management Office o QCDRRMO Chief Maria Perez, tutulungan nila ang National Housing Authority na ilipat ang mga pamilya na nakatira sa danger zones.


Ito aniya ay upang wala nang masawi tuwing magkakaroon ng mga pagbaha sa lungsod.

Dagdag pa ni Perez na kabilang sa prayoridad ng lokal na pamahalaan sa ilalim ng Drainage Master Plan o DMP ang paglilipat sa mga pamilya na nakatira sa mga mapanganib na lugar pati na ang pagpapalakas sa early warning systems sa mga komunidad.

Pinag-aaralan na rin ng QC Local Government Unit sa ilalim ng DMP ang pagtatayo ng mga imprastraktura para masolusyunan ang mga pagbaha sa ilang lugar sa lungsod.

Facebook Comments