Manila, Philippines – Pinagtibay ng Senado ang panukala na naglilipat sa pagmamay-ari ng Mindanao Islamic Telephone Company Incorporated patungo sa Consortium na napili para maging ikatlong player sa telecommunications o telco industry sa bansa.
Ang hakbang ay inendorso ni Committee on Public Services Chairperson Senator Grace Poe sa layuning maisakatuparan ang tsansa para sa mas sulit, mas mabilis at mas mainam na serbisyo patungkol sa telepono at internet na inaasahang maibibigay ng 3rd telco.
Tanging tumutol sa panukala ay sina Senate Minority Leader Franklin Drilon, Senators Panfilo Ping Lacson at Risa Hontiveros.
Ang Mislatel Consortium ay binubuo ng Udenna Corporation, Chelsea Logistics Holding Corporation na pawang pagmamay-ari ng negosyante sa Davao na si Dennis Uy.
Kasama din sa Consortium ang State-Owned China Telecom.