Paglilipat ng pangangasiwa sa NAIA sa pribadong concessionaire sa Sabado, tuloy –DOTR

Tiniyak ng Department of Transportation o DOTr na tuloy ang turnover sa Sabado, September 14 ng pangangasiwa ng Ninoy Aquino International Airport o NAIA sa New NAIA Infrastructure Corp. (NNIC).

Sa kanyang pag-iikot kanina sa NAIA, nakita ni Transportation Sec. Jaime Bautista na handa na ang lahat para sa turnover.

Tiniyak naman ng kalihim na kahit NNIC na ang magpapatakbo ng NAIA ay patuloy pa rin ang pamahalaan sa pagtutok sa nasabing paliparan.


Sa Sabado, September 14, eksakto alas-12:01 ng umaga ay ibibigay na sa NNIC ang operasyon ng NAIA.

Facebook Comments