Paglilipat ng pondo ng PhilHealth, tinawag na scam ng Social Watch Philippines

Tinawag na scam ng iba’t ibang organisasyon ang paglilipat ng ₱89.9 bilyon na pondo mula sa PhilHealth pabalik sa National Treasury.

Ayon sa Social Watch Philippines, dapat umanong gamitin ng tama ang pondo para sa mga benepisaryo ng PhilHealth at hindi ito dapat ilipat sa ibang programa.

Giitn ng grupo, alinsunod sa Universal Health Care Act of 2019, ang estado ay may tungkuling protektahan ang karapatang-pangkalusugan ng mga Pilipino.


Paliwanag pa ng grupo, mandato ng PhilHealth na ipagtanggol ang naturang katapatan sa pamamagitan ng health insurance coverage para may abot-kayang serbisyong medikal para sa lahat.

Dagdag ng grupo, ang paglilipat ng pondo ay paglabag sa karapatang pangkalusugan ng mga mamamayan.

Facebook Comments