PAGLILIPAT NG TELCOM WIRES SA UNDERGROUND PIPE SA LA UNION, MULING INUNGKAT

Muling inungkat sa Pamahalaang Panlalawigan ng La Union ang paglilipat ng aerial telecommunication cables ng mga internet service providers sa common underground pipe system matapos ang pinsalang inabot sa Bagyong Emong.
Ayon sa isang mambabatas, paalala ang pinsala sa layunin ng ordinansa para sa mga telcos dahil sa nagtumbahang poste dahilan ng limitado pa ring internet service sa lalawigan ngayon.
Hinimok na magkaroon ng committee hearing sa pagitan ng mga telcos at Sanggunian upang magkaroon ng ulat sa pagtalima ng mga ito sa ordinansa mula nang ipatupad.
Inaasahan din ang pagpupulong sa Kalsada Group upang talakayin ang usapin sa common underground pipe system at matugunan ang pagresolba sa apektadong internet service sa lalawigan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments