Paglilipat sa Pasig City Jail ng apat na co-accused ni Pastor Quiboloy, inaantabayanan

Inaantabayanan sa Pasig City Jail ang apat na co-accused ni Pastor Apollo Quiboloy sa kasong human trafficking.

 

Ito ay matapos na magpalabas ng commitment order ang Pasig Regional Trial Court para sa paglilipat  ng kulungan sa apat na akusado.

 

Kabilang sa mga ito ang sinasabing subordinates ni Quiboloy na sina Jackielyn Roy, Ingrid Canada, Cresente Canada, at Sylvia Cemanes.


 

Kanina ay naghain ng not guilty plea ang mga akusado sa Pasig City RTC Branch 159.

 

Mananatili naman sa PNP custodial center si Quiboloy.

Facebook Comments