Hindi nagawang madepensahan nina National Democratic Front (NDF) Peace Consultants Benito at Wilma Tiamzon ang kanilang mga sarili sa korte dahil sa banta sa kanilang buhay.
Ang mag-asawang Tiamzon ay hinatulang guilty sa pag-kidnap sa apat na sundalo noong 1988.
Ayon kay Atty. Rachel Pastores ng Public Interest Law Center, hindi nakapagdepensa ang mag-asawang Tiamzon dahil marami ang nagbabanta sa kanyang buhay, harassment, at nagmamanman sa kanila.
Sinabi pa ni Pastores na pawang mga kasinungalingan ang mga sinabi ng nag-iisang prosecution witness na si Abraham Claro Casis.
Ang kidnapping case laban sa mga Tiamzon ay nakaligtas kahit maraming dismissal charges ang inihain laban sa ilang tao.
Dahil sa kasalukuyang sitwasyon, ang mga Tiamzon at iba pang peace consultants na nahaharap sa false charges sa korte ay hindi makapag-avail ng patas na trial.