MANILA – Naudlot ang sana ay unang araw nang paglilitis sa kasong plunder ni dating senador bong revilla sa sandiganbayan.Ito’y dahil humingi pa ng panahon ang prosekusyon para amyendahan ang kanilang pre-trial brief.Kailangan ang pre-trial brief para makapag-isyu ang korte ng pre-trial order na gagamitin sa proseso ng paglilitis.Dahil dito’y muling itinakda ng anti-graft court 1st division ang paglilitis sa pebrero a-nuebe.Sa hearing kanina, hiniling pa ni atty. Estelito mendoza, abogado ni revilla na limitahan sa isang beses lamang kada araw ang pagdinig sa halip na 2 beses maghaponPero ayon justice efren dela cruz, layon nitong mapabilis ang trial proper.Si revilla ay nahaharap sa kasong plunder kaugnay ng pagtanggap ng P224.5 milyong kickback mula sa non-government organization ni janet lim napoles kung saan napunta ang kanyang pork barrel fund.
Paglilitis Sa Plunder Case Ni Dating Sen. Bong Revilla Ngayong Araw – Naudlot
Facebook Comments