Paglimita ng US na magbenta ng armas sa Pilipinas, hindi ikinabahala ng Palasyo

Manila, Philippines – Dinedma ng palasyon ng Malakanyang ang inihaing panukala nina United States Senators Benjamin Cardin at Marco Rubio na limitahan ang pagbebenta ng armas ng Amerika sa Pilipinas.

Ito’y dahil sa nagagamit umano ang armas sa extrajudicial killings bunsod ng pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo – hindi naman nangangailangan ngayon ang Department of National Defense (DND) at ang PNP ng karagdagang armas.


Katunayan, sinabi ni Panelo na may mga bansa ang nagdonate ng armas sa Pilipinas pero tinanggihan ito ng DND dahil sa sapat naman umano ang kanilang kagamitan.

Una rito, sinabi ni Pangulong Duterte na hindi problema sa Pilipinas kung hindi na magbenta ng armas ang Amerika dahil nag aalok naman umano ang China at Russia.

DZXL558

Facebook Comments