
Agad humingi ng paumanhin ang National Food Authority (NFA) sa kanilang planong paglimita sa pagbili ng palay ng mga magsasaka.
Ayon kay NFA Administrator Larry Lacson, habang binabalangkas nila ang panuntunan sa pagbili ng palay ay 100 muna ang kanilang bibilhin sa bawat magsasaka sa kada anihan.
Ito ay dahil na rin sa limitadong pondo ng ahensiya at ang problema sa mga bodega na pag-iimbakan ng mga bibilhing palay.
Pero pinag-aaralan naman daw ng NFA na taasan ang kanilang bibilhing palay sa kada magsasaka.
Kaugnay nito, hiniling ni Lacson sa mga magsasaka na makipagtulungan sa kanila para mas marami ang makikinabang sa sistema.
Isa na rin itong paraan para maalis ang agam-agam ng ilan na mga traders lang ang laging napapaboran.
Facebook Comments









