Paglimita sa galaw ng mga indibidwal na nabakunahan na, suportado ng DOH

Suportado ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III ang paglimita sa galaw ng mga indibidwal na nabakunahan na kontra COVID-19.

Kasunod ito ng naging suhesityon ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Jose Concepcion III kung saan magtatalaga ng ‘bubbles’ para sa mga bakunado at hindi.

Ayon kay Duque, suportado niya palagi ang naturang konsepto.


Pero aniya nakakabahala na posibleng maharap sila sa kaso kung hindi magkakaroon ng polisiya alinsunod na rin sa payo ng Department of Justice (DOJ) at ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Mula sa target na 70 milyong nakakumpleto sa bakuna ngayong taon, 13 milyon pa lamang ang nakakukumpleto ng dose ng bakuna sa buong bansa.

Facebook Comments