Paglimita sa galaw ng mga unvaccinated, hindi sapat para makontrol ang COVID-19

Iginiit ng isang kongresista na hindi sapat ang paglimita sa galaw ng mga hindi pa bakunado sa Metro Manila upang mapigilan ang pagkalat ng mas nakahahawang Omicron variant.

Ayon kay House Assistant Minority Leader at Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas, maaari pa rin naman maging carriers ng virus ang mga bakunadong indibidwal.

Kasunod nito, sinabi ni Brosas na mas mainam pa rin aniya na magpatupad ng mass testing upang agad na matukoy kung sino ang mga positibo sa COVID-19.


Kahapon, inaprubahan ng Metro Manila mayors ang “no vaccine, no labas” kung saan papayagan lamang ang unvaccinated kung bibili ng essentials, magpapadoktor at magtutungo sa kanilang dentista.

Facebook Comments