Paglimita sa oras na paggamit ng mga bata sa social media, ipinapanukala sa Kongreso

Ipinapanukala ngayon sa Kamara na higpitan para sa mga batang 13-anyos pababa ang paggamit ng social media gaya ng Facebook at Twitter.

Sa ilalim ng House Bill 5307, sinabi ni House Deputy Speaker Danilo Fernandez, inaatasan ang mga social media company na paigtingin ang features nito lalo na sa mga gumagamit.

Ipagbabawal din nito ang pagkuha ng personal at location information ng mga bata na wala pahintulot mula sa mga magulang.


Pinalilimitahan din ng panukalang batas ang oras na paggamit ng mga bata sa mga social media platforms sa lahat ng devices sa 30-minuto kada araw.

Iginiit ng Mambabatas na mahalagang mabantayan ang mga ginagawa ng mga bata online.

Minamandato rin ang social media companies na magbigay ng Efficient Notification Mechanisms sa mga magulang ng mga bata at maglagay ng ‘Natural Stopping Points’ para sa mga user.

Facebook Comments