Nasa 18.9 milyong Pilipino ang maaaring functional illiterate dahil umano sa problema sa komprehensyon sa binabasa ayon sa resulta ng survey.
Ani ng ilang magulang na Pangasinense, maaaring isang dahilan ang kapansin pansin umano na pagkawili ng kanilang mga anak sa cellphone at social media platforms na itinuturing bilang distraction sa pag-aaral ang mga bata.
Sa pagdinig ng Senate Committee in Basic Education nitong Abril, inilabas ang naturang datos mula sa inisyal na resulta ng FLEMMS na siyang isinagawa ng Philippine Statistics Authority noong second quarter ng 2024.
Patuloy naman sinisikap ng Department of Education (DepEd) ang pagtugon sa naturang suliranin sa pamamagitan ng mga programa tulad ng “Catch up Fridays” na siyang inumpisahan noong taong 2024. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









