Sang-ayon si Mag. Gov. Esmael “TOto” Mangudadatu sa plano ni Pang. Rodrigo Duterte na linisin ang hanay ng local government officials sa bansa partikular ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Layunin umano ng pangulo ang mga opisyal ng local government units (LGUs) na karamihan umano ay nasangkot na sa katiwalian.
Sinabi ni Gov. Mangudadatu sa ginanap na Provincial Peace and Order Council Meeting kahapon sa bayan ng Buluan na mas mainam ang hakbang na ito ng Pangulo upang malaman din ng LOCAL leaders kung ano at paano nila isakatuparan at gampanan ang kanilang tungkulin o papel bilang tagapangasiwa ng kanilang kinasasakupan.
Ayon pa kay Gov. Mangdadatu, nagagalak s’ya kay Pang. Duterte dahil tumututok ito sa lahat ng mga nasa gobyerno na ang layunin ay maglingkod sa mamamayan.
Paglinis sa LGUs, OK kay Mag. Gov. Magudadatu!
Facebook Comments