Paglipana ng advertisements at posters ng mga potensyal na kandidato, hindi maituturing na paglabag – COMELEC

Nilinaw ng isang opisyal ng Commission on Elections (COMELEC) na ang advertisements o posters ng mga potensyal na kandidato ay hindi maituturing na paglabag dahil hindi pa election period.

Matatandaang naglipana ang mga posters na naghihikayat kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na tumakbo sa pagkapangulo sa 2022 elections.

Ayon kay COMELEC Commissioner Rowena Guanzon sa kanyang Twitter account, na muli nilang titingnan ang mga patakaran.


Para naman kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, bagama’t isang uri ito ng pangangampanya ay hindi pa ito pasok sa legal na depinisyon ng campaigning.

Dagdag pa ni Jimenez, wala pa silang nakikitang paglabag sa anumang election laws o campaign rules hinggil dito.

Sa ilalim ng kasalukuyang batas, ang mga naghain ng Certificates of Candidacy (COC) ay magiging kandidato lamang sa pagsisimula ng campaign period.

Ang paghahain ng COC ay magsisimula sa October 1 hanggang 8, 2021 habang ang campaign period ay mula February 8 hanggang May 7, 2022.

Facebook Comments