Mahigpit ang pagtutok ngayon ng Dagupan City Social Welfare and Development Office ukol sa mga naiuulat sa kanilang tanggapan na paglaganap ng mga pekeng Identification Card ng mga Persons with Disabilities sa lungsod.
Sa Dagupan City kasi, may ilan umanong namamantala sa mga restaurant, grocery stores at iba pang lugar na ginagamit ito upang makakuha ng diskwento.
Sakaling magoyo, malaking kawalan ito sa mga may-ari ng Negosyo.
Kaya naman, nananawagan ang CSWDO ng karagdagang polisiya upang masawata ng tuluyan ang paglaganap ng mga fake pwd ids at nang mapakinabangan ito ng mga totoong may kapansanan.
Mahigpit din ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga LGU ukol sa pag-iisyu nito, lalo na at walang iisang disenyo ito.
Hiling naman ng ilang may-ari ng negosyo na magkaroon ng unified ID upang hindi sila mahirapan sa pagkilatis. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









