Manila, Philippines – Pinapaalis na ang Commission on Election (COMELEC) sa Palacio del Gobernador sa Intramuros, Maynila.
Nakatanggap na kasi ang COMELEC ng “notice to vacate” para sa inookupahan nitong 5th, 7th at 8th floor sa Palacio mula sa Intramuros Administration (IA) na nangangasiwa sa gusali.
Nakasaad sa ipinadalang notice ang structural integrity ng Palacio del Gobernador.
Pero ayon kay Spokesperson Director James Jimenez, nakaplano na ang paglilipat ng kanilang personnel department bago matapos ang taon.
Aniya, matagal na rin silang may plano na magpatayo ng sarili nilang gusali.
Nakausap na din ng COMELEC ang Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa disenyo at pagpapatayo ng pinaplanong gusali ng ahensya.
Facebook Comments