Paglipat ng bansa sa renewable energy, isinusulong ng grupong Greenpeace kasunod ng manipis na suplay ng kuryente

Isinusulong ng grupong Greenpeace ang pag-shift o paglipat ng bansa sa renewable energy.

Giit ito ng grupo kasunod ng mga nararanasang brownout dahil sa manipis na suplay ng kuryente.

Ayon kay Greenpeace campaigner Kevin Yu, hindi masasandalan ang fossil fuel energy system dahil sa sinapit na mga power outages at shortages.


Kaya nanawagan si Yu sa gobyerno na madaliin na ang paglipat ng bansa sa renewable energy dahil sagana ang Pilipinas sa pagkukunan nito tulad ng solar, wind, geothermal at hydropower.

Facebook Comments