Paglipat ng COVID-19 patients sa Ligtas Centers, muling iginiit ng DILG

Iginiit ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang kahalagahan ng paglilipat ng mga pasyenteng may COVID-19 sa Ligtas Centers sa ilalim ng Oplan Kalinga Program.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, hindi lamang nito mababantayan ang mga pasyente pero makakabuti rin ito sa mga komunidad dahil mapipigilan ang pagkalat ng virus.

Maiiwasan din nito na mahawaan ng virus ang iba pang miyembro ng kanilang pamilya.


Pagtitiyak ni Año na makakatanggap ng maayos na pag-aalaga ang mga pasyente sa loob ng Ligtas Center.

Naniniwala ang DILG na ang home quarantine ay isa sa dahilan ng pagkalat ng COVID-19 lalo na at may ilang residente ang walang nakalaang lugar para ihiwalay ang kanilang kaanak na tinamaan ng sakit.

Una nang sinabi ng kalihim na maituturing na disinformation campaign ang mga ulat na mga pulis at mga sundalo ang mangunguna sa pagbabahay-bahay para hikayatin ang infected individuals na lumipat sa isolation centers.

Facebook Comments