Tinitignan na ng Department of Justice (DOJ) ang paglipat ng detainee na si Jad Dera mula sa National Bureau of Investigation (NBI) detention center patungo sa ibang pasilidad matapos itong mahuli na lumabas ng NBI noong nakaraang linggo.
Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Mico Clavano, tinatamasa ni Dera ang special treatment o ilang mga pribilehiyo tulad ng espesyal na pagkain at kondisyon sa pagtulog.
Inilarawan ni Clavano si Dera bilang isang “mayores” o pinuno ng mga detainees sa NBI detention facility at nais nilang imbestigahan kung bakit siya nagkakaroon ng mga pribilehiyo.
Tinignan din ng DOJ at NBI ang mga ulat na binayaran ni Dera ng “daan-daang libo” ang ilang tauhan sa pasilidad para matamasa ang special treament sa pasilidad.
Facebook Comments