Paglipat ng partido ng senatorial candidate na si Samira Gutoc, ipinaalam muna kay Vice President Leni Robredo

Ipinaalam ng senatorial candidate na si Samira Gutoc sa dating kaalyado sa Liberal Party na si Vice President Leni Robredo ang paglipat niya sa partido.

Ito ay matapos opisyal nang naghain ng certificate of candidacy (COC) kahapon sa ilalim ng partidong Aksyon Demokratiko si Gutoc.

Ayon dito, pinadalhan niya ng sulat si Robredo upang ipaalam ang paglipat sa partido ni Manila Mayor Isko Moreno.


Hindi rin umano siya pinigilan ng pangalawang pangulo.

Sa ngayon, umaasa si Gutoc na hindi sasama ang loob sa kanya ng mga dati nang sumusuporta at tiniyak na patuloy siyang magiging boses para sa pagsugpo sa kahirapan at kagutuman.

Ipinagdarasal din ni Gutoc si Robredo sa pagdedesisyon nito kung tatakbo o hindi sa pagkapangulo.

Facebook Comments