Normal lamang ang paglipat ng suporta ng isang partido lalo na kung papalapit na ang eleksyon.
Ito ang naging pahayag ni Political Science Expert Froilan Calilung matapos i-atras ng Partido Reporma ang suporta kay Senador Panfilo Lacson at sa halip ay isulong ang kandidatura sa pagkapangulo ni Vice President Leni Robredo.
Ayon kay Calilung, tinitignan ang galaw sa numero ng isang kandidato at ang suportang natatanggap nito.
Samantala, sinabi naman ni Professor Rogelio Panao ng University of the Philippines Department of Political Science na wala silang nakikitang pag-atras ng sinumang presidentiable dahil malaki na ang hirap at gastos ng mga ito sa sa pangangampanya.
Facebook Comments