
Iginiit ni Senator Robinhood Padilla na malabong lumipat sila ni Senator Bong Go sa mayorya.
Sagot ito ni Padilla sa tanong kung may kumausap ba sa kanila mula sa mayorya para lumipat ng grupo.
Ayon kay Padilla, paano sila lilipat sa mayorya kung saan kasapi sina Senators Risa Hontiveros, Bam Aquino, at Kiko Pangilinan na batid namang hiwalay sa kanilang politikal na paniniwala.
Nilinaw ng senador na wala silang personal na isyu sa isa’t isa pero sadyang magkaiba lamang ang kanilang posisyon politika.
Nanindigan si Padilla na silang tatlo sa minorya, na sina Go at Senator Bato dela Rosa, ay solid Duterte pa rin.
Facebook Comments










