Paglipat sa Batocabe slay case sa Korte sa Maynila mula sa Albay, kinatigan ng Korte Suprema

Pinagbigyan ng Supreme Court ang kahilingan ng pamilya Batocabe at ng Ako Bicol Party-list na mailipat sa Manila Regional Trail Court ang paglilitis sa kaso ng pagpatay kay Cong. Rodel Batocabe.

 

Bunga ito ng sinasabing pagpabor ng hukom sa Legazpi City RTC sa Albay, sa pangunahing akusado sa kaso na si dating Mayor Carlwyn Baldo ng Daraga, Albay

 

Partikular ang unang pagyag ng huwes na makapagpiyansa si ex-mayor Baldo.


 

Inatasan din ng Korte Suprema ang clerk of court ng Legazpi City RTC branch 10 na iturn over sa executive judge ng Manila RTC ang lahat ng records sa kaso.

 

Ipinag-utos din ng Supreme Court na executive judge ng manila RTC ang agad na pag-raffle sa kaso.

Facebook Comments