Paglipat sa edukasyon ng pondo para sa flood control project, isinulong sa budget deliberations ng Kamara

Sa briefing ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) sa House Committee on Appropriations ay iminungkahi ni Batangas Rep. Leandro Legarda Leviste na ilipat sa edukasyon ang pondo para sa flood control projects.

Ayon kay Leviste, mismong si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., ang nagsabi na posibleng source ng korapsyon ang flood control projects na nilaanan ng 250 billion pesos sa ilalim ng proposed 2026 national budget.

Punto ni Leviste, kung ililipat ito sa edukasyon ay maari nitong matugunan ang kulang na 165,000 na mga silid-aralan.

Nagpahayag naman ng pagiging bukas sa naturang suhestyon si Budget secretary Amenah Pangandaman lalo’t target ng pambansang pondo para sa susunod na taon ang higit na pamumuhunan sa edukasyon.

Dagdag pa ni Pangandaman, bahala ang Kongreso na magpasya kung tatapyasan ang flood control budget para ilipat sa sektor ng edukasyon.

Facebook Comments