Paglipat sa Partido, Hindi Kailangan-Governor Bojie Dy III

Ilagan, Isabela – Naniniwala si Isabela Governor Faustino “Bojie” G Dy III na hindi kinakailang lumipat ng partido para makakuha lamang ng tulong mula sa nasyunal na pamahalaan.

Ito ay batay sa pananalig niya sa paninindigan ng pangulo na tumutulong ito sa mga lalawigan kung kinakailangan at hindi batay sa partido.

Sinabi pa ng gobernador na kung alam ng presidente na nakakabuti sa pangkalahatan ang isang proyekto ay kanya itong sinusuportahan.


Naging katugunan ito ni Isabela Governor Bojie Dy sa usisa ng lokal na media ukol sa paglipat ng ibang mga nakaupong pulitiko dito sa rehiyon sa PDP-Laban na partido ni Pangulong Duterte.

Magugunita na noong tumakbong Pangulo si Duterte ay substitute candidate lamang ito ng PDP-Laban na noon ay isang maliit na partido pulitikal kumpara sa mga malalaking partido ng kanyang mga katunggali.

At paglatapos ng halalan noong Mayo 2016 ay naglipatan ang mga pulitiko sa maraming bahagi ng bansa sa partido ng pangulo siyang nangyari sa kada natatapos ang eleksiyong pangpanguluhan sa Pilipinas.

Si Governor Faustino Dy III ay kasapi ng Nationalist People’s Coalition(NPC) ni Eduardo “Danding” Cojuanco Jr.

Facebook Comments