Inaprubahan ng National Historical Commission of the Philippines ang paglilipat ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan sa Veterans Memorial Park at World War II Historical Marker na malapit sa bahagi ng Lingayen Baywalk.
Ayon sa Provincial Housing and Urban Development Coordinating Center, nakatakdang ilipat ang mga war relics tulad ng mga war tanks malapit sa Lingayen Gulf.
Dumaan rin umano ito sa konsultasyon at nabigyan ng Environmental compliance certificate.
Pabor naman umano ang ilang beterano sapagkat mas maganda umanong bumisita dahil malapit na sa baywalk at nakikitang inaalagaan at naprepreserba ang mga kagamitan at kontribusyon ng mga beterano noong world war II. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments