Nakuhanan ngayong araw ng Biyernes ika-19 ng Mayo ang pagliyab ng isang van sa bayan ng Calasiao.
Ibinahagi ni Idol Jocelyn Episcope ang kuha nitong video na sasakyang nagliyab sa Brgy. Poblacion West sa nasabing bayan, alas-10 ng umaga.
Ayon sa uploader, agad namang nagbigay ng assistance ang POSO Calasiao at agad ding dumating ang Bureau of Fire Protection Calasiao para apulahin ang nasusunog na sasakyan.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Fire Officer II Bestmart Eslava, ang imbestigador ng BFP Calasiao, na habang umaandar ang naturang van na may lulan na dalawang katao ay bigla nalang nagliyab ang harapang bahagi na kinalalagyan ng engine parts at dahil sa takot ng mga sakay nito agad na itinigil ng driver ang sasakyan upang hindi makasagabal sa daan dahil dinadaan ng mga sasakyan ang tabing kalsada ng simbahan ng Sts. Peter and Paul Parish.
Sa ngayon hindi pa malaman kung ano ang naging sanhi ng pagkasunog ng nasasakyan at patuloy pa ring iniimbestigahan ng awtoridad.
Nagpaalala naman ito na tignan maigi ang mga sasakyan bago magmaneho kung nasa tamang kondisyon ito upang hindi magaya sa nangyari. |ifmnews
Facebook Comments